Hindi na umabot pang buhay makaraang isugod sa Riverside Medical Center si Felix Palcorin Amante, 93. Bukod sa respiratory arrest secondary to asphyxia, nagtamo din ang dating mayor ng 2nd degree burns sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.
Ang sunog na pinaniniwalaang sanhi ng faulty electrical wiring ay nagsimula sa kuwarto ng apo ni Amante na si Felix Eduard Amante sa ikalawang palapag ng Amante residence, ayon kay Bacolod Fire Marshall Senior Inspector Jerry Candido.
Ang dating mayor ay nadiskubreng nakadapa sa gilid ng kanyang kama malapit sa bintana, palatandaan na nagtangka itong lumabas sa nasusunog na bahay.
Si Amante ay dati ring kongresista at nagsilbi ring gobernador ng Negros Occidental.
Isa siya sa itinuturing na oldest surviving alumnus ng Negros Occidental High School, isa sa pinakamatandang secondary schools sa bansa. (Ulat ni Antonieta Lopez)