Jueteng den sinalakay: 79 katao tiklo
April 16, 2001 | 12:00am
Pitumput siyam na mga jueteng personnel ang naaresto ng mga tauhan ng DILG-Task Force Jericho sa isinagawang magkakahiwalay na pagsalakay sa lalawigan ng Tarlac at Pampanga nitong nakalipas na Mahal na Araw.
Sa ulat ni DILG-TF Jericho chief, Supt. Raul Castañeda kay Secretary Joey Lina,unang sinalakay ng kanyang mga tauhan ang jueteng den sa Bgy. Maliwalo, Tarlac City at dito ay naaresto ang 43 personnel at nakumpiska ang P 13,600 bet collections at paraphernalias noong Miyerkules.
May 20 katao naman ang sinunod na naaresto sa may Bgy. Mayantok, Camiling, Tarlac na kung saan ay tangka pang tumakas ang mga ito dala ang P 4,360 bet collections subalit hinabol ang mga ito at nahuli.
Nitong Sabado De Gloria ay sinunod na sinalakay ang jueteng den sa Pulong Maragul, Angeles City at anim dito ang naaresto at nakumpiska ang P 3,980 collections.
Ang pinakahuli ay ang jueteng den sa Bgy. Manupis, Camiling at sampu naman ang nahuli at nakumpiska ang P1,362 collections.
Inirekomenda ni Supt. Castañeda kay Secretary Lina na imbestigahan ang mga hepe ng pulisya na nahulihan ang mga lugar nila ng jueteng. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest