Truck bumangga sa pader: 5 katao patay, 7 sugatan
April 11, 2001 | 12:00am
Lima katao ang kumpirmadong nasawi, habang pito pa ang nasa kritikal na kondisyon makaraang aksidenteng sumalpok ang isang truck ng gulay na kinalululanan ng mga biktima sa isang konkretong pader sa kahabaan ng Marcos highway sa Tuba, Benguet, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang mga nasawing biktima na sina Lito Alonzo, Noel de Dios, Gener Carreon, Gloria Babasa at Zandro Sason, na pawang nagtamo ng malulubhang sugat sa ulo at katawan.
Mabilis namang isinugod sa Baguio City General Hospital ang mga sugatan.
Base sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi noong Lunes habang ang mga biktima ay lulan ng isang truck na punong-puno ng mga gulay. Kasalukuyan umanong binabagtas nito ang zigzag at matarik na daan sa Marcos highway sa Badiwan, Tuba, Benguet ng maganap ang trahedya.
Bigla na lamang nawalan ng kontrol ang truck hanggang sa sumalpok ito sa konkretong pader at dahil sa matinding pagkasalpok, agad na namatay ang apat na sakay nito, habang ang isa pa ay hindi na umabot nang isugod sa pagamutan.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya sa naturang aksidente. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
20 hours ago
Recommended