^

Probinsiya

Misis na nagpapa-sexy, grabe sa taga ni mister

-
Dahilan sa madalas na pagpapaseksi, pinagtataga ng isang mister ang kanyang misis bunga ng matinding selos sa pag-aakalang may kinahuhumalingan itong ibang lalaki matapos ang mainitang pagtatalo sa kanilang tahanan sa Tugbok District, Davao City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ang biktima na nasa kritikal na kondisyon sa Mintal Hospital ay nakilalang si Sherlie Pepito. Ito ay nagtamo ng malalim na taga sa leeg at sa binti.

Nakilala naman ang suspect na mister na si Sacarias Pepito, 43.

Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, dakong alas-6:15 ng gabi ng maganap ang insidente sa mismong tahanan ng mag-asawa sa Barangay Biao Escuela, Tugbok District sa nasabing lunsod.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon nabulahaw ang mga kapitbahay ng mag-asawa dahilan sa pag-aaway ng mga ito dahil sa pagsususpetsa ng mister na may ibang lalaki ang kanyang misis.

Nasaksihan ng mga kapitbahay kung papaanong kumuha ng itak ang suspect at tinaga ang biktima kaya agad silang tumawag ng pulis.

Bago pa makatakas ang lalaki ay nasakote na ito ng mga tauhan ng pulisya at nakuha dito ang isang matalim na gulok na ginamit sa pagtaga sa misis.

Kasalukuyang nakapiit sa Davao City Jail ang nadakip na mister. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

BARANGAY BIAO ESCUELA

CAMP CRAME

DAVAO CITY

DAVAO CITY JAIL

JOY CANTOS

MINTAL HOSPITAL

SACARIAS PEPITO

SHERLIE PEPITO

TUGBOK DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with