^

Probinsiya

Jailbreak: 10 preso pumuga

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Isang manhunt operation ang inilunsad ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa dagliang pag-aresto sa sampung bilanggo sa municipal jail ng Dinalupihan, Bataan na pumuga sa kanilang selda noong madaling araw ng Linggo o isang araw bago ang nakatakdang pagbisita sa lalawigan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Base sa ulat, ang mga pugante ay may nakabinbing kaso sa Dinalupihan Municipal Trial Court mula murder, robbery-holdup, rape at iba pang henious crimes.

Ang pagpuga ay isinagawa isang araw bago ang pagtungo sa lalawigan ni Pangulong Arroyo para sa pagdiriwang kahapon ng "Araw ng Kagitingan".

Nakilala ang mga tumakas na sina David Cayanan, Edgardo Muli, Roberto Cruz, Armando Morillo, Jomar Morillo, Sumulong de Leon, Arnel Teodoro, Frederick Gamitos, Sammy Garcia at Carlito Almene.

Binanggit pa sa ulat na nagawang wasakin ng mga bilanggo ang dingding sa kanilang comfort room sa pamamagitan ng paggamit ng concrete nail na kanilang sinimulan anim na araw bago ang isinagawang jailbreak.

Sinasabing ang pagpuga ay pinamunuan nina Almene,Cayanan at Morillo.

Ito naman ang inihayag ni Teodoro na nadakip ng mga tauhan ng pulisya sa kanyang tahanan.

Binanggit pa sa ulat na nais ng mga bilanggo na makapiling ang kanilang mga pamilya ngayong holy week, higit sa lahat upang takasan ang matinding init sa kanilang mga selda. (Ulat nina Ric Sapnu at Rudy Andal)

ARMANDO MORILLO

ARNEL TEODORO

BINANGGIT

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CARLITO ALMENE

DAVID CAYANAN

DINALUPIHAN MUNICIPAL TRIAL COURT

EDGARDO MULI

FREDERICK GAMITOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with