Pulis, tinutugis sa pagpatay sa dating opisyal ng army
April 9, 2001 | 12:00am
CAMP NAKAR, Lucena City Isang malawakang manhunt operation ang isinasagawa ngayon ng mga awtoridad para agad na maaresto ang isa nilang kabaro na umano ay pumatay sa isang retiradong Army Major sa Alitagtag, Batangas, kamakailan.
Ipinalabas ang arrest order laban kay PO3 Danilo Aro, nakatalaga sa Sta.Teresita,Batangas sa buong Region 4 batay na rin sa direktiba ni PRO4 Regional Director C/Supt. Domingo Reyes.
Batay sa pangyayari, binaril hanggang sa mapatay ni PO3 Aro si retired Army Major Danilo Punzalan sa harapan ng barangay hall ng Sta.Cruz noong Abril 1, taong kasalukuyan.
Pagkatapos na mapatay ay mabilis na tumakas ang suspek at simula noon ay hindi na ito nagpakita sa kanyang mother unit.
Una ng ideneklara ng Batangas PNP na AWOL si Aro para ito ay boluntaryong sumuko subalit nagpatuloy ito sa pagtatago kaya nagpasya ang matataas na pinuno ng PRO4 na arestuhin na ito.
Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa pagpaslang ng suspek sa dating opisyal ng Army. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am