Drug trade sa Quezon pinagtalunan; 1 katao patay, 1 grabe
April 8, 2001 | 12:00am
TIAONG, Quezon  Isang obrero ang nasawi, samantalang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon matapos na ang mga ito ay mag-duelo sa pamamagitan ng baril at patalim dahil lamang sa pagtatalo tungkol sa pagkakasangkot ng mga matataas na opisyal ng lalawigan sa illegal drug trade, kamakalawa ng hapon sa Barangay del Rosario sa bayang ito.
Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Vencio Robles, 46, binata, ng naturang lugar, habang kasalukuyang inoobserbahan sa Tiaong Municipal Hospital si Jaime Punzalan sanhi ng isang malalim na saksak sa katawan.
Batay sa isinagawang imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon.
Lumalabas sa inisyal na ulat na nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nina Robles at Punzalan, Kapwa iginigiit umano ng bawat isa sa kanila na may malalim na motibong pulitikal ang pagkakasangkot sa illegal drug trade nina 2nd District Congressman Marcial Punzalan, dating Quezon PNP director Charlemagne Alejandrino at Lucena City Mayor Ramon Talaga Jr.
Nang hindi magkasundo sa kanilang mga paliwanag ay nagbunot ng patalim ang nasawing biktima at inundayan ng saksak sa katawan si Punzalan. Nagawa naman paputukan ni Punzalan ng kanyang baril na 9MM si Robles na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa naganap na insidente. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest