^

Probinsiya

Mini-marshal program hiling sa Mindanao

-
Upang maipatupad ang mga kinakailangang rehabilitasyon sa Mindanao, hiniling kahapon ni Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ikonsidera ang isang mini-marshal plan o planong pang-ekonomiya sa Mindanao.

Mahalaga umano na sumailalim na sa rehabilitasyon ang mga kalsada, tulay, paaralan, mga kabahayan at maging mga commercial areas na nasira dahil sa naging kaguluhan sa nasabing rehiyon noong panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada.

"Isa ito sa paraan upang makumbinsi natin ang ating mga kapatid na Muslim na seryoso ang Arroyo administration sa kapakanan ng mga mamamayan sa Mindanao", ani Lozada.

Noon umanong nakalipas na administrasyon nagkaroon na rin ng mungkahi na isailalim sa marshall plan ang Mindanao, subalit mariin itong tinutulan dahil sa all-out-war policy ng pamahalaang Estrada laban sa mga rebeldeng Muslim.

Sa ngayon umano ay malaki ang pag-asa na magtagumpay ang mini-marshall plan dahil nagkasundo na ang pamahalaan at ang MILF na tigilan na ang putukan at pag-usapan naman ang kapayapaan sa nasabing rehiyon. (Ulat ni Marilou Rongalerios)

APOLINARIO LOZADA

ISA

LOZADA

MAHALAGA

MARILOU RONGALERIOS

MINDANAO

NEGROS OCCIDENTAL REP

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with