Graduation ceremony niratrat: 6 katao patay, 20 sugatan
April 6, 2001 | 12:00am
COTABATO CITY –Lalong hinigpitan ng mga awtoridad ang seguridad sa Maguindanao, matapos ang madugong insidenteng naganap sa isang graduation ceremony sa bayan ng Kabuntalan na nagresulta sa pagkasawi ng anim na katao at pagkasugat pa ng may 20.
Sinasabing may kinalaman sa nalalapit na eleksyon ang naganap na krimen.
Ayon kay Maguindanao Gov. Zacaria Candao, na siya ding chairman ng Provincial Peace and Order Council, na hihilingin ng PPOC at mga religious leaders sa lalawigan sa Commission on Elections na mag-deploy pa ng karagdagang Marine units sa mga piling bayan upang mapigilan ang paglalabanan ng mga magkakatunggaling grupo ng politiko.
Anim katao ang kumpirmadong nasawi makaraan umanong ang dalawang anak ng re-electionist mayor sa Kabuntalan kasama ang kanilang mga private armies ay magpaulan ng putok ng baril sa gitna ng mga mag-aaral na noon ay nagsasagawa ng kanilang graduation ceremony, habang ang isang mayoral candidate ay nagdedeliver ng keynote speech.
Si Bai Susan Samad, na tumatakbong mayor sa nabanggit na bayan sa ilalim ng Partido ng Masang Pilipino na masuwerte na lamang ay agad siyang nakadapa at nakakubli ng mapansin niya ang mga armadong kalalakihan.
Base naman sa ulat ng pulisya, na ang mga suspect ay sinasabing pinamumunuan nina Sahabudin at Sebastian, anak ni re-electionist Mayor Salipongan Daglok.
Apat lamang sa anim na nasawi ang nakikilala, ang mga ito ay sina Osmeña Kabulan, 30; Andy Pananggulong, 24; Pikit Salik, 58 at PO1 Sajid Sangkad, escort ni Samad. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest