Jeep vs. bus, isa patay, 11 grabe
April 2, 2001 | 12:00am
Isa ang nasawi habang labing-isang katao ang nasa malubhang kalagayan matapos ang kanilang sinasakyang pampasaherong jeep ay bumangga sa isang bus sa Davao City kamakalawa.
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame nakilala ang namatay na si Garry Vidanes, 20, ng Amarillo St., Dacoville Dumoy, Bgy. Toril ng nasabing lunsod.
Samantala ang mga grabeng nasugatan ay nakilalang sina Aurora Vergara, 62; Eulalio Vergara, 65; Ma. Theresa Talaban, 34; Joselyn Modaje, 30; Jean Prenoces, 3; Rey Conejo, 28; Domingo De Torres, 52; Gretchen Sorilla, 13; Sixto Patalis, 64; isang nakilala lamang sa pangalang Aries, 13 at isang hindi pa nakikilalang lalaki.
Batay sa ulat na dakong alas 10:45 ng umaga habang tinatahak ng pampasaherong jeep (LEE-856) na minamaneho ng isang Enrico Martin ang kahabaan ng Quimpo Blvd. Bgy. Matina, Davao City.
Bigla na lamang umanong huminto ang pampasaherong jeep ng ito ay parahin ng isa sa mga pasahero, subalit hindi naman nakahinto ang kasunod na bus na mabilis din ang pagtakbo. Sa lakas ng pagkasalpok ng bus sa jeep ay bumaliktad ito na siyang naging dahilan ng kamatayan ni Vidanes dahil sa pagkaipit ng katawan nito. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 11 hours ago
By Victor Martin | 11 hours ago
By Omar Padilla | 11 hours ago
Recommended