^

Probinsiya

Utol inutas ni kuya dahil sa lupa

-
Pinaniniwalaang alitan sa lupa ang pangunahing motibo ng isang magsasaka kaya’t nagawang paslangin sa pamamagitan ng pananaksak ang nakababata niyang kapatid sa lalawigan ng Zamboanga del Sur, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Nakilala ang nasawing biktima na si Oscar Eramis, 29, magsasaka at residente ng Purok 1, Barangay La Victoria, Aurora ng nabanggit na lalawigan.

Ang biktima na nagtamo ng malalalim na saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan ay namatay noon din sa pinangyarihan ng krimen.

Agad namang sumuko sa mga awtoridad ang suspect na kuya na si Benedicto Eramis, 30.

Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, dakong alas-10 ng gabi habang nag-uusap sa loob ng kanilang bahay ang magkapatid nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga ito.

Ilang saglit pa ang pagtatalo ay nauwi sa pagpapalitan ng maanghang na salita at nang hindi na makapagpigil pa ang nakatatandang Eramis ay mabilis itong nagtungo sa kusina ng bahay at kumuha ng panaksak.
Walang sabi-sabing inundayan ng saksak ng suspect sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang kanyang kapatid hanggang sa tuluyang mapatay.

Sinasabing alitan sa minanang lupa ang pinag-ugatan ng away ng dalawa. (Ulat ni Joy Cantos )

BARANGAY LA VICTORIA

BATAY

BENEDICTO ERAMIS

CAMP CRAME

ERAMIS

ILANG

JOY CANTOS

OSCAR ERAMIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with