^

Probinsiya

Mayor kinasuhan sa pagpapakulong ng 15 magsasaka

-
LUCENA CITY– Pormal na ipinagharap ng kaso sa hukuman ang isang Mayor ng Alabat, Quezon sa ginawa nitong pagpapakulong sa may 15 magsasaka na nagsagawa ng rally sa harap ng munisipyo kamakailan.

Ayon kay Pedro Gonzales, chairman ng BAYAN na may anim na oras siyang ikinulong kasama ang labing-apat na iba pa sa selda ng Alabat Municipal Jail sa utos umano ni Mayor Artemio Mascariñas.

Dahilan sa walang makitang kaso sa mga ito ay napilitang palayain ng mga pulis ang grupo ni Gonzales.

Ayon sa naturang lider magsasaka na nitong nakaraang linggo ay nagsagawa sila ng rali sa harapan ng munisipyo para iparating sa kinauukulan ang mga problema ng mga magsasaka at mangingisda na hindi mabigyan ng solusyon ng lokal na pamahalaan.

Lumabas umano buhat sa opisina ang Mayor at hinarap ang mga nagsasagawa ng rali at sinabihan sila na nakakasikip sila sa daloy ng trapiko.

Nangatwiran ang mga nagra-rally na hindi sila nakakasikip dahil kakaunti naman ang mga sasakyan na dumaraan.

Nainis ang Mayor kaya’t inutusan ang mga tauhan at mga pulis na arestuhin ang mga ito at ikulong. (Ulat ni Tony Sandoval)

ALABAT

ALABAT MUNICIPAL JAIL

AYON

DAHILAN

GONZALES

LUMABAS

MAYOR ARTEMIO MASCARI

PEDRO GONZALES

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with