4 katao nabundol ng kotse: 2 patay, 2 grabe
March 26, 2001 | 12:00am
GEN. TRIAS, Cavite Dalawang obrero ang nasawi habang ang dalawa pa nilang kasamahan ay nasa kritikal na kalagayan matapos mabundol ng isang kotse habang ang mga ito ay naglalakad sa kahabaan ng Bgy. Biclatan kamakalawa ng gabi.
Ang dalawang nasawi ay nakilalang si Renato Calum, 34, tubong Surigao at Allan Jimenez, 30, binata, habang nasa kritikal na kalagayan sa Manila Orthopedic sina Renato Henesierra, 32, may-asawa at Allan Cambronero, 30, binata na kapwa stay-in workers ng Roblets International.
Sa pagsisiyasat ng pulisya na dakong alas 10:00 ng gabi ay naglalakad sa kalye ng nasabing barangay ang mga biktima nang bigla na lamang sumulpot sa likuran nila ang kotseng Mazda na minamaneho ng suspek na si Jose Garcia, 33, may-asawa, propesor at residente ng Trece Martires City.
Tumilapon ang mga biktima at minalas na makaladkad pa sina Calum at Jimenez na kanilang ikinamatay.
Tumakas ang suspek at iniwan na lamang ang mga biktima na nakabulagta sa kalsada.
Ilang oras ang nakakalipas ay nakonsensiya ito at sumuko sa Trece Martires City PNP.
Napag-alaman sa pulisya lasing na nagmamaneho ang suspek kaya nabangga nito ang mga biktima.
Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide at serious physical injuries. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 18 hours ago
By Victor Martin | 18 hours ago
By Omar Padilla | 18 hours ago
Recommended