Sekyu ng bangko tinodas ng holdaper
March 20, 2001 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga Isang security guard ng bangko ang kumpirmadong nasawi, samantalang dalawang iba pa ang malubhang nasugatan sa naganap na panghoholdap ng dalawang armadong kalalakihan sa bayan ng Paniqui, Tarlac, kahapon ng umaga.
Nakilala ang nasawing biktima na si Bienvenido Napuran, 29, sekyu sa BPI Paniqui Branch.
Samantalang kinilala rin ang dalawang iba pang sugatan na isinugod sa Tarlac Provincial Hospital na sina Carlito Rodrigo at Neil Bautista, kapwa mga empleyado sa nabanggit na bangko.
Si Napuran ay namatay noon din bunga ng tinamong tama ng bala ng baril sa leeg at sa ibat-ibang bahagi pa ng katawan.
Ang madugong panghoholdap ay naganap dakong alas-9:50 kahapon ng umaga malapit sa Red Camia Supermarket sa Burgos St., Poblacion Sur, Paniqui, Tarlac habang nakahinto ang kotse ng mga biktima nang ito ay tabihan at dikitan ng isang motorsiklo lulan ang dalawang hindi nakikilalang lalaki na kapwa armado ng .45 pistola at walang sabi-sabing pinaputukan agad ang mga biktima.
Matapos barilin ang mga biktima ay agad na binuksan ng isa sa mga suspect ang sasakyan at saka kinuha ang dalawang attache case na naglalaman ng isang milyong cash.
Nabatid na patungo ang mga biktima sa Red Camia Supermarket para doon dalhin ang nasabing pera.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito para malaman kung inside job ang naturang panghoholdap dahil na rin sa alam ng mga suspect na may dalang ganoong halaga ang grupo ng mga biktima. (Ulat ni Jeff Tombado )

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest