PNP alerto sa highway robbery at hijacking
March 18, 2001 | 12:00am
Bunga na inaasahang pagtaas ng mga kaso ng highway robbery at hijacking ngayong palapit na ang Semana Santa, inalerto kahapon ng Police Regional Office (PRO) 4 ang lahat ng mga operatiba ng mobile patrol sa Region 4 upang hadlangan ang pambibiktima sa mga pasahero ng mga bus, motorista at maging sa mga pasyente.
Ang direktiba ay ipinalabas kahapon ni Chief Supt. Domingo Reyes Jr., police Regional Office (PRO) 4 Director partikular na sa mga istratehikong lugar sa Maharlika Highway at iba pang national highways sa lalawigan ng Rizal, Laguna, Cavite at Batangas gayundin sa South Luzon tollways .
Sinabi ni Reyes na pinagpapatrulya niyang mabuti ang mga elemento ng Regional Mobile Group (RMG) 4 at Provincial Mobile Forces upang mabawasan kung di man tuluyang masupil ang mga ganitong kaso. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest