^

Probinsiya

NDF, nagdeklara na rin ng ceasefire

-
Inaasahan ang madali at ligtas na pagpapalaya sa nalalabi pang prisoner of war ng mga rebeldeng NPA na si Army intelligence officer Major Noel Buan makaraang pormal na ring magdeklara kahapon ang pamunuan ng National Democratic Front (NDF) ng ceasefire sa pitong lalawigan sa Southern Tagalog Region.

Sa isang press statement, sinabi ni Luis Jalandoni, chairman ng NDF negotiating panel na ang hakbang ay bilang pagtalima sa idineklarang pagpapatigil ng opensiba ng AFP at PNP.

Ayon kay Jalandoni, ipatutupad nila ang ceasefire sa pitong lalawigan ng CALABARZON na kinabibilangan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon , gayundin sa Oriental at Occidental Mindoro. Ang direktiba, ayon pa kay Jalandoni ay ipinarating na sa lahat ng CPP-NPA Southern Tagalog Regional Committee partikular na sa Melito Glor Command na siyang may hawak kay Buan.

Binanggit pa nito na ang ceasefire ay oobserbahan ng kanilang mga tauhan simula bukas (Marso 17) na tatagal hanggang sa Abril 11 ng taong kasalukuyan.

Idinagdag pa nito na nakikipagpulong na ang Southern Tagalog Regional Committee ng CPP sa Melito Glor Command ng NPA, International Committee ng Red Cross, humanitarian peace mission, GRP negotiating panel at iba pang concerned parties para itakda ang agarang pagpapalaya kay Major Buan. (Ulat ni Joy Cantos)

INTERNATIONAL COMMITTEE

JALANDONI

JOY CANTOS

LUIS JALANDONI

MAJOR BUAN

MAJOR NOEL BUAN

MELITO GLOR COMMAND

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

OCCIDENTAL MINDORO

SOUTHERN TAGALOG REGIONAL COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with