2 PNP opisyal sabit sa pamamaril ng estudyante
March 7, 2001 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga Nasa hot water ang dalawang police opisyal at posibleng matanggal sa trabaho matapos masangkot sa pamamaril sa isang 4th year high school kamakalawa ng gabi sa Bgy. San Agustin, San Fernando City ng nasabing lalawigan.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Chief Inspectors Joel Dimaano, 38 at Ramon Floro, 44 na kapwa nakatalaga sa CIDG, Camp Olivas.
Nasa kritikal na kalagayan ang biktima na si Jonathan Madrino, 17, nakatira sa nasabing baranggay.
Sa ulat ng pulisya na dakong alas 8:00 ng gabi ay magkasamang nag-iinuman ang mga suspek kasama ang isang PO2 Edon Yalung, 32 sa bahay ng isang Angelito Domingo, 30.
Dahil sa kalasingan ng mga suspek ay kanilang nakursunadahan umano ang biktima na napadaan doon at hinabol ni Domingo.
Sa halip na pumagitna ang dalawang pulis para awatin si Domingo sa pagharang sa biktima ay bumunot ng baril si Dimaano at binaril sa ulo ang biktima.
Ang mga suspek ay dinisarmahan ng kanilang mga superior at isasailalim sa paraffin test. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest