Ang biktima ay nakilalang si Martin Simana, nasa hustong gulang at residente ng nasabing baranggay.
Samantala ang mga suspek ay ang magkakapatid na sina Arjay, Rodette at Glen Antonio, kapitbahay ng biktima na kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya na dakong alas 11:30 ng gabi ay napadaan ang biktima sa pinag-iinuman ng mga suspek at ilan nitong mga kasama.
Tinawag ng mga suspek ang biktima at niyaya na tumagay subalit magalang na tinanggihan ito ng huli.
Nagalit ang magkakapatid kaya sa pagtalikod ng biktima ito ay hinabol at pinagtulungang saksakin. (Ulat ni Mading Sarmiento)