Disc jockey tiklo sa drug bust

Nadakip ng mga tauhan ng Metro Manila Narcotics Office (MMNO) ang isang disc jockey at kasama nito sa isinagawang buy-bust operations, kamakalawa ng gabi sa San Pedro, Laguna.

Nakilala ang nadakip na disc jockey na si Dennis Silva, 27 at kasamahang si Joven Ante, 22.

Binanggit sa ulat na dakong alas-7:30 ng gabi nang madakip ang mga suspect sa isinagawang buy-bust operations sa San Pedro, Laguna.

Nasamsam sa mga ito ang P25,000 halaga ng shabu sa isinagawang entrapment. Ang mga suspect ay kasalukuyang nakapiit sa MMNO detention cell habang inihahanda ang kaso laban sa mga ito. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments