^

Probinsiya

Pulis na inakalang napatay ang kanyang misis, nag-suicide

-
Dahil sa akalang napatay niya ang kanyang misis, isang bagitong miyembro ng Phil. National Police (PNP) ang nag-suicide matapos ang isang mainitang pagtatalo sa problemang pinansiyal sa loob mismo ng kanilang tahanan sa isang liblib na lugar sa Zamboanga City, kamakalawa

Regional Mobile Group at naninirahan sa Baliwasan Grande, Zamboanga City. Nagtamo ito ng isang tama ng bala sa ulo na siya nitong agarang ikinamatay.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nagpakamatay ang biktima sa pag-aakalang napatay niya ang kanyang asawa na si Normini na binaril niya ng dalawang beses sa kainitan ng kanilang pagtatalo dahilan sa problemang pinansiyal.

Binanggit pa sa ulat na hatinggabi ng umuwi si Salikala mula sa dinaluhan nitong birthday party sa karatig baryo nang komprontahin ng kanyang misis na nauwi naman sa mainitang pagtatalo.

Ilang minuto pa ay binaril ng pulis ng dalawang ulit sa baywang ang kanyang misis. Nang makita nito na humandusay ang kanyang asawa at umagos ang dugo sa katawan ay nataranta na si Salikala at ang ginawa ay itinutok naman sa kanyang ulo ang baril at saka pinaputok.

Mabilis namang naisugod sa pagamutan si Normini ng kanilang mga kapitbahay matapos mabatid na ito ay buhay pa.

Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masusing imbestigasyon ang naganap na insidente. (Ulat ni Joy Cantos)

BALIWASAN GRANDE

BINANGGIT

CAMP CRAME

DAHIL

JOY CANTOS

NATIONAL POLICE

NORMINI

REGIONAL MOBILE GROUP

SALIKALA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with