^

Probinsiya

3 manggagawa ng NAPOCOR nakasinghot ng lasong kimiko, todas

-
Tatlong kontraktuwal na manggagawa ng National Power Corporation (NAPOCOR) ang nasawi, habang dalawa pa ang nasa kritikal na kondisyon matapos na makasinghot ng nakalalasong kimiko habang nagtatrabaho sa isang geothermal plant sa Tiwi, Albay, kamakalawa.

Ang mga nasawing biktima ay kinilalang sina Vedel Tolentino, Quintin Belchez at Crisanto Brosas, empleyado ng NAPOCOR at pansamantalang itinalaga ng Miescor, isang contractor ng Phil. Geothermal Inc. sa nasabing planta.

Namatay noon din ang mga biktima habang mabilis namang naisugod sa pinakamalapit na pagamutan ang dalawa pang kasamahan ng mga ito na nakilalang sina Salvador Collantes at Larry Balimbing.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, mistulang lantang gulay na bigla na lamang umanong bumagsak sa kanilang kinalalagyan ang tatlong biktima. Mabilis ding nangitim ang mga ito matapos na makasinghot ng hydrogen sulfide gas, isang nakamamatay na kimiko na pinaniniwalaang tumagas mula sa steam pipe ng naturang planta.

Nabatid na kasalukuyang nagkukumpuni sa mga kubo ang mga biktima ng bigla na lamang tumagas ang mapaminsalang kimiko na dagliang kumalat sa working area.

Bunsod nito’y nakaramdam ng sobrang pananakit ng ulo, matinding pagkahilo ang mga biktima at ilang saglit pa ay tuluyan na ngang bumulagta ang mga ito.

Sa kasalukuyan, masusing sinisiyasat ng mga awtoridad ang naturang insidente. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ALBAY

CRISANTO BROSAS

GEOTHERMAL INC

JOY CANTOS

LARRY BALIMBING

NATIONAL POWER CORPORATION

QUINTIN BELCHEZ

SALVADOR COLLANTES

VEDEL TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with