Pharmacist dinukot ng Sayyaf
February 21, 2001 | 12:00am
Dinukot ng mga armadong bandidong Abu Sayyaf Group ang isang dalagang pharmacist habang lulan ng kanyang service jeep sa panibagong insidente ng kidnapping na naganap sa Patikul, Sulu, ayon sa ulat kahapon.
Nakilala ang panibagong biktima nang pagdukot na si Nurhana Tulawie Daud, 24, ng Kakuyagan Village, Patikul ng nabanggit na lalawigan.
Agad namang natukoy ng pulisya ang kidnapper ng biktima na mula sa grupo ni Mujib Susukan ng ASG.
Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, ang pagkidnap sa biktima ay naganap dakong alas-8:30 ng umaga sa kahabaan ng Kaunayan Highway sa bayan ng Patikul, Sulu.
Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang minamaneho ng biktima ang kanyang service jeep sa nasabing lugar patungong Quezon beach ng dukutin ng grupo ni Susukan.
Tinutukan umano ng baril ng mga tauhan ni Susukan ang biktima at pagkatapos ay puwersahan itong dinala sa direksyon ng Barangay Darayan ng nasabi ring munisipalidad.
Kasalukuyan pang sinisiyasat ng pulisya kung ano ang posibleng motibo sa isinagawang pagdukot sa biktima.
Masusi nilang tinitignan kung ito ay isang kaso ng kidnap-for-ransom o gusto lamang itong gawing asawa ng isa sa mga opisyal ng Abu Sayyaf tulad ng kanilang nakaugalian. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 16 hours ago
By Victor Martin | 16 hours ago
By Omar Padilla | 16 hours ago
Recommended