Positibong itinuro ng biktimang itinago sa pangalang Rita ang kanyang sariling tiyuhin na nakilalang si Claro Seña, 48, na siyang gumahasa sa kanya ng makailang ulit sa loob ng bahay ng huli sa Purok 4, Barangay Bagasbas ng nasabing bayan.
Batay sa sinumpaang salaysay ng biktima, pinangakuan umano siya ng suspect na papapag-aralin ng high school kapalit ng pagiging katulong sa bahay.
Buwan ng Hunyo 1997 sa gulang ng 14 ay sinimulan na siyang halayin ng suspect. Halos tatlong beses sa loob ng isang linggo kung gamitin umano siya ng suspect.
Nabatid pa na nasa ibang bansa ang asawa ng kanyang tiyo na siya naman ang pinagdiskitahan nito.
Kasalukuyan naman nakapiit sa BJMP Daet District Jail ang inireklamong suspect. (Ulat ni Francis Elevado)