Tatay na rapist hinatulan ng 10 habambuhay
February 11, 2001 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga Sampung beses na habambuhay ang hinatol ng Tarlac Regional Trial Court sa isang 40 anyos na magsasaka matapos mapatunayan ng hukuman na nagkasala ito ng panghahalay sa kanyang anak na noon ay 15 anyos pa lamang noong 1995.
Ibinaba ni Judge Arsentos Adriano ang hatol na 10 beses na habambuhay kay Efren Mateo dahil sa napatunayan niya na hinalay nito ang kanyang anak na itinago sa pangalang Arlene na nag-umpisa noong 1995 hanggang 1996.
Sa labing-isang pahinang desisyon, inatasan din ng korte na bayaran ng akusado ang biktima ng P 150,000 bilang danyos.
Sa rekord ng korte, ang biktima ay inumpisahang halayin ng kanyang ama tuwing aalis ang kanyang nanay para magtrabaho at silang dalawa lang ang naiiwan sa bahay.
Sa kabila umano ng kanyang pagmamakaawa sa ama ay hindi niya ito pinakikinggan at pagkatapos na makaraos ay pagbabantaan naman siya na papatayin kapag nagsumbong.
Natapos lamang ang kanyang kalbaryo ng ikuwento nito sa mga kaibigan noong Agosto 1996 ang kahayupan ng ama na siya namang tumulong para isumbong sa kinauukulan ang kahayupan ng akusado. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest