US$3.2M ospital pasisinayaan

Mahalaga ang Araw ng mga Puso sa dalawang milyong residente ng Cavite dahil sa araw na ito gaganapin ang ground breaking ng $ 3.2M ospital na itatayo sa 17 ektaryang capitol complex ng Trece Martires City.

Pamumunuan ni Cavite Governor Ramon"Bong"Revilla Jr.,at ilang lokal opisyal sa ground breaking rites na maghuhudyat sa anim na buwang konstruksiyon ng pinakahihintay na RP-Korea Friendship Medical Center.

Ang ospital na pinondohan ng Korean International Cooperation Agency(KOICA) ay maitatayo sa pagsisikap ni Revilla na layuning bigyan ng murang pagpapa-ospital ang maralitang Caviteño. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments