Ayon kay Chief Inspector Armando Dolor, kung sumabog lamang ang naturang bomba ay tiyak na maraming mamamatay sa lugar na kinatagpuan nito.
Ang bomba na nakalagay sa isang kahon ay kahalintulad ng mga bombang ginagamit ng grupo ng terorista na may timer at may electricwire, subalit ang kaibahan nito ay sa gasolina imbes na sa dinamita ikinabit ang wire.
Binanggit sa report na natagpuan ang bomba dakong alas- 5 ng umaga sa compound ng Candelaria Municipal hall na may limang metro lamang ang layo sa mataong lugar na doon itinayo ang mga kubol ng mga paninda.
May hinala ang pulisya na ang grupong sangkot dito ay maaaring yaong hindi napagbigyan na maglagay ng kanilang puwesto ng paninda sa kalye. (Ulat ni Tony Sandoval)