^

Probinsiya

Pistang bayan tangkang isabotahe, itinanim na bomba pumalpak

-
CANDELARIA, Quezon – Tinangkang isabotahe ng hindi nakikilalang grupo ang pagdaraos ng pistang bayan dito sa pamamagitan nang paglalagay ng bomba sa isang bakanteng lote, subalit sa kabutihang palad ay hindi sumabog dahil sa kakulangan ng sapat na kaalaman ng gumawa nito.

Ayon kay Chief Inspector Armando Dolor, kung sumabog lamang ang naturang bomba ay tiyak na maraming mamamatay sa lugar na kinatagpuan nito.

Ang bomba na nakalagay sa isang kahon ay kahalintulad ng mga bombang ginagamit ng grupo ng terorista na may timer at may electricwire, subalit ang kaibahan nito ay sa gasolina imbes na sa dinamita ikinabit ang wire.

Binanggit sa report na natagpuan ang bomba dakong alas- 5 ng umaga sa compound ng Candelaria Municipal hall na may limang metro lamang ang layo sa mataong lugar na doon itinayo ang mga kubol ng mga paninda.

May hinala ang pulisya na ang grupong sangkot dito ay maaaring yaong hindi napagbigyan na maglagay ng kanilang puwesto ng paninda sa kalye. (Ulat ni Tony Sandoval)

AYON

BINANGGIT

BOMBA

CANDELARIA MUNICIPAL

CHIEF INSPECTOR ARMANDO DOLOR

QUEZON

TINANGKANG

TONY SANDOVAL

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with