^

Probinsiya

Lokal opisyal na may log cabins, sisiyasatin

-
BAGUIO CITY – Nakatakdang imbestigahan ang ilang lokal na opisyal ng pamahalaan sa lungsod na ito sa umanoy pagkaroon nila ng mga log cabins sa Voice of America sa Camp John Hay na gumaya sa pinatalsik na Pangulong Estrada.

Sinabi ni Konsehal Edgardo Bilog, ilalantad umano nito ang mga pangalan ng mga opisyal ng City hall sa darating na araw para malaman ng publiko ang anomalya na kinasasangkutan ng mga ito.

Malaki ang paniwala ni Bilog na nakuha sa ilegal na paraan ng mga opisyal ang kanilang log cabins at kailangang malinis ang mga pangalan ng inosente at managot naman ang may kasalanan.

Sa kanilang gagawing resolusyon hihingi sila ng tulong kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na imbestigahan ang mga lokal na opisyal. (Ulat ni Myds Supnad)

BILOG

CAMP JOHN HAY

KONSEHAL EDGARDO BILOG

MYDS SUPNAD

PANGULONG ESTRADA

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

VOICE OF AMERICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with