Lalaki niratrat habang sumasayaw, patay
February 5, 2001 | 12:00am
BUHI, Camarine Sur Patuloy ang ubusan ng lahi ng dalawang pamilya dito dahil sa alitan sa lupa matapos isa naman ang nasawi habang pitong katao ang nasugatan matapos na ratratin ng armalite sa isang sayawan kamakalawa ng gabi sa Bgy.San Vicente Duraburan.
Ang nasawi ay nakilalang si Alex Gaite, biyudo, residente ng Bgy. Tabas, habang ang mga nasugatan na isinugod sa Bicol Medical Center ay nakilalang sina Jaime Arcilla, Rolly Mallaris, Loreta Caceres, Gloria Arcilla, Efren at Ramon Broñoso at Nick Aguilar na pawang tinamaan ng ligaw na bala.
Batay sa pagsisiyasat ng pulisya na dakong alas 11:50 ng gabi habang ang biktima ay nagsasayaw sa loob ng dancing hall ay sumulpot ang hindi pa kilalang suspek na armado ng M-16 at pinaulanan nito ng bala.
Napag-alaman ang nasawi ay miyembro ng pamilya Gaite-Ocampo na minasaker noong Disyembre 28,1995 na tinaguriang "Buhi Masaker" na ikinamatay ng 13 miyembro ng nasabing pamilya at suspek sa pagpatay sa isang miyembro ng pamilya Nieva na si Cristito Nieva Jr.noong Oktubre 28,1995.
Ang pumatay sa Gaite-Ocampo ay naaresto ng mga awtoridad na nakilalang sina Ester Nieva at mga anak na sina Christopher, Crisboy, Clyde at Toto na naghihintay na lamang ng desisyon ng korte.
Nakarekober ang mga awtoridad sa lugar ng pinangyarihan ng 13 basyo ng bala ng armalite at isang kalibre .38 pistola. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest