2 tribo nagsagupa, isa napatay
January 29, 2001 | 12:00am
BAGUIO CITY Pinangangambahang sisiklab ang isang digmaan sa pagitan ng dalawang tribo matapos maganap ang isang engkuwentro na ikinamatay ng isa rito at pagkasugat ng ilan.
Sa pangyayaring ito, naalarma ang lokal na pamahalaan dahil sa masisira ang Zone of Peace dito matapos magbakbakan ang dalawang tribo sa Gibraltar kamakailan.
Hindi binanggit sa ulat na pinadala ng Human Resource Development Office kay Mayor Mauricio Domogan kung sino ang napatay at nasugatan.
Napag-alaman din na hindi uso sa mga tribo ang magsampahan ng kaso sa korte bagkus ito ay dinadaan na lamang sa paghihiganti at patayan na walang pakundangan. Higit namang pinangangambahan ni Domogan na madamay ang mga estudyante na walang kinalaman sa tribal wars at aniya, ito ay kailangang ayusin ng pulisya.
Ang Baguio City ay kilalang pinakatahimik na lunhsod sa bansa. (Ulat ni Myds Supnad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest