Nakilala ang biktimang si Jeffrey Braulio, 22, ng Sitio Bayosbos ng naturang lugar.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-10 ng gabi habang ang biktima kasama ang kanyang kapatid at kaibigan ay naglalakad sa naturang lugar para magtungo sa lamay ng namatay nilang kamag-anak.
Isang hindi kilalang lalaki na armado ng shotgun ang biglang lumapit sa biktima at walang sabi-sabing pinaputukan ang huli sa ulo.
Namatay noon din ang biktima na sinasabing sumabog pa ang utak sa kalsada, habang mabilis namang tumakas ang suspect.
Hindi pa malinaw sa pulisya kung ano ang posibleng motibo sa isinagawang pagpaslang sa biktima at kung sino ang posibleng gumawa nito. (Ulat ni Ed Casulla)