Training camp ng NPA rebels nakubkob ng militar

Nakubkob ng tropa ng militar ang isang pinaniniwalaang training camp ng mga rebeldeng NPA sa isinagawang raid sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Sta. Felomina, Quezon, Bukidnon, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat na tinanggap kahapon ni Lt. Gen. Diomedio Villanueva, Commanding General ng Phil. Army, ang matagumpay na pagkakakubkob sa naturang training camp ng mga rebelde ay bunga ng masusing surveillance operations ng mga elemento ng militar.

Nabatid na nakatanggap ng ulat ang tropa ng pamahalaan na sa naturang kampo sinasanay ng mga nakatataas na opisyal ng NPA ang mga nare-recruit nilang miyembro, partikular na ang mga menor-de- edad.

Agad na kumilos ang mga militar at ni-raid ang kampo ng mga rebelde sa masukal at bulubunduking bahagi ng Tagdo, Dumasilag sa nasabing barangay.

Gayunman, bago nakalapit ang tropa ng pamahalaan ay mabilis ng nakapuslit ang mga rebelde na naghiwa-hiwalay ng direksyon sa pagtakas.

May sampung kabahayan na may kapasidad na 60 katao ang natagpuan ng mga sundalo sa nasabing kampo. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments