^

Probinsiya

Pulis binoga ng kabaro, patay

-
Isang kagawad ng pulisya ang iniulat na napatay makaraang barilin ito ng kapwa pulis habang nagsasagawa ng foot patrol kamakalawa ang gabi sa Bangued, Abra.

Kinilala ang biktimang si PO2 Garry Mendoza, nakatalaga sa Bangued PNP Station habang ang suspek na ngayon ay nakapiit ay nakilalang si PO2 Alejandro Bernal, nakatalaga naman sa finance center ng PNP sa Camp Crame.

Sa ulat na ipinarating ng Police Regional Offcie-Cordillera Autonomous Region (PRO-CAR), dakong alas 10:15 ng gabi kamakalawa nang maganap ang krimen sa labas ng Casa Valera bar sa nasabing lugar.

Nagsasagawa umano ng foot patrol sa panulukan ng Taft at Marcelo St, Zone 4 ng nasabing lugar ang biktima kasama ang dalawang pulis na sina PO3 Salvador Duna at PO3 Arnold Buenafe ng mamataan ang suspek na may kasigawang hindi nakilalang babae sa labas ng nasabing bar kaya nilapitan nito upang komprontahin.

Ayon sa imbestigasyon, nagpakilala umano ang biktima sa suspek upang mag-usisa sa pangyayari subalit hindi nito pinakinggan at mabilis na nagbunot ng baril at pinaputukan ang biktima sa mukha.

Kaagad namang isinugod ang biktima sa Seares Hospital ngunit idineklarang patay na. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

ALEJANDRO BERNAL

ARNOLD BUENAFE

BANGUED

CAMP CRAME

CASA VALERA

GARRY MENDOZA

JHAY MEJIAS

MARCELO ST

POLICE REGIONAL OFFCIE-CORDILLERA AUTONOMOUS REGION

SALVADOR DUNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with