8-anyos pinilahan at saka pinaslang ng walo
January 13, 2001 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga – Isang walong-taong-gulang na batang babae ang iniulat na hinalay at pagkatapos ay pinaslang ng walong kalalakihan na hinihinalang sabog sa ipinagbabawal na gamot sa Brgy. Balon Asnito, Mariveles, Bataan, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat na isinumite ng Bataan Provincial Police Office (BPPO) sa Camp Olivas, kinilala ng Bataan-PNP ang biktima na si Rhonalyn Alcajas, 8, grade 2 pupil at residente ng Sitio Porto, Brgy. Balon Anito, Mariveles sa nabanggit na lalawigan.
Samantala, naaresto naman ng pulisya ang apat sa walong suspect sa panggagahasa at pagpatay sa biktima na kinilalang sina Jomar Lopena, Ador Recto, Manuel Lopena at Joseph Sacdalan, pawang naninirahan sa Cubao, Quezon City. Ang mga ito ay pawang nakapiit ngayon sa municipal jail ng Mariveles sa Bataan.
Ang iba pang mga suspect na sangkot sa krimen ay kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya at pansamantala munang hindi ibinunyag ang mga pangalan para hindi makaapekto sa isinasagawang follow-up.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, naganap ang nabanggit na krimen dakong alas-9:45 ng gabi nang magtungo ang biktima sa bahay ng kanyang lola na hindi naman kalayuan sa tahanan ng biktima sa nabanggit na barangay upang manood ng telebisyon.
Matapos manood ay mag-isa itong umuwi sa kanilang tahanan subalit hindi na ito nakauwi pa.
Kinabukasan dakong alas-6 ng umaga ng matagpuan ng mga awtoridad sa isang madamong lugar ang hubo’t hubad na bangkay ng bata.
Mahigpit pang nagsasagawa ng isang masusing imbestigasyon ang pulisya kaugnay sa nabanggit na krimen. (Ulat nina Jeff Tombado at Jonnie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest