2 miyembro ng ‘Double Your Money Syndicate’, arestado

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Dalawa sa limang miyembro ng ‘Double Your Money/Counterfeiting Syndicate’ na umano ay may malawak na koneksyon sa ilang tiwaling kawani ng Bangko Sentral ang bumagsak sa operatiba ng 4th Criminal Investigation and Detection Group sa isinagawang police operation sa Barangay Pansol, Calamba, Laguna, kamakalawa.

Nakilala ang mga nadakip na sina Absalon Baracena, X-ray technician at Cayetano Geron III.

Nasamsam ng mga operatiba sa mga suspect ang iba’t ibang pekeng currency bills at iba pang kagamitan nila sa ilegal na operasyon.

Isang follow-up operation naman ang isinagawa ng mga tauhan ng pulisya laban sa tatlo pang miyembro ng sindikato na sinasabing konektado sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ang mga suspect ay natunton dakong alas-8 ng umaga sa Brgy. Pansol, Calamba, Laguna.

Sinabi pa ng dumating ang mga suspect sa naturang lugar para i-meet ang isang negosyante na kanila sanang bibiktimahin ng halagang isang milyong pisong transaksyon nang dakmain ito ng mga awtoridad. (Ulat ni Ed Amoroso)

Show comments