Smoke bomb natagpuan
January 10, 2001 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga Itinaas sa full red alert ngayon ng pamunuan ng Police Regional Office 3 (PRO3) sa Central Luzon ang lahat ng hanay ng kapulisan sa buong lalawigan ng Pampanga at Bulacan matapos na matagpuan ang dalawang hinihinalang "bomba" na nakapaloob sa isang bag sa kahabaan ng North Luzon Expressway sa Barangay Baho, San Fernando, Pampanga.
Ang natagpuang bomba ay natagpuan noong Sabado dakong alas-2:45 ng hapon sa isang lugar sa kahabaan ng North Luzon Expressway sa nasabing Barangay ay nakapaloob sa isang bag.
Subalit ng bulatlatin ng mga kagawad ng pulisya ang hinihinalang bomba ay natuklasan ng mga ito ang isang "smoke bomb" lamang na nakasilid sa naturang bag at wala umanong kakayahan na sumabog di tulad ng ginamit na bomba sa pagpapasabog sa loob ng LRT train ng mga terorista sa Blumentritt station sa Maynila noong nakalipas na Disyembre 30, 2000 na kumitil sa buhay ng mga inosenteng sibilyan at malubhang ikinasugat pa ng marami.
Ang natuklasang "smoke bomb" ay isang uri ng bagay na malimit na ginagamit ng militar sa paggabay sa mga sasakyang himpapawid sa pamamagitan ng paggamit nito para sa kanilang isasagawang landing situations. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 4 hours ago
By Victor Martin | 4 hours ago
By Omar Padilla | 4 hours ago
Recommended