Killer ng ex-vice mayor ng Lumban nasakote
January 10, 2001 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Calamba Pinaniniwalaang nalutas na ang brutal na pagpaslang sa dating vice-mayor ng Lumban, Laguna na asawa ni CAV chairman Carina Agarao makaraang bumagsak sa mga kamay ng operatiba ng Laguna Police Provincial Office ang pangunahing suspect na sinasabing hired killer sa isinagawang police operation sa Pagsanjan, Laguna, kahapon.
Batay sa ulat ni Superintendent Wilfredo Dulay, Laguna Provincial director, nakilala ang nadakip na suspect na si Luisito San Juan, may mga alyas na Ka Lito Aldeza, Carlito dela Cruz at Bunso na sinasabing miyembro ng NPA at isang gun-for-hire killer.
Ang nadakip ay responsable sa pagpatay kay Atty. Clarence Agarao, dating Lumban vice-mayor at municipal administrator noong nakalipas na Abril 30, 1996 malapit sa Provincial Capitol , Sta. Cruz, Laguna.
Positibong itinuturo ng mga nakasaksi sa krimen ang suspect sa isinagawang police line-up sa Laguna headquarter.
Si San Juan ay natunton ng operatiba sa Pagsanjan cockpit, dakong alas-4 ng hapon. Namsamsam dito ang isang cal. .45 pistol. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest