Ayon sa naantalang ulat na nakarating sa Quezon Police Provincial Office buhat sa Jomalig PNP, kinilala ang natagpuang bangkay na si Christine Abanto, 15, estudyante, ng Barangay Talisoy, Jomalig. Quezon.
Ito ay natagpuan kamakailan sa isang bagong gawang sementadong kalye may dalawang kilometro ang layo sa Barangay Poblacion.
Huling nakitang buhay ang dalagita noong nakalipas na Disyembre 28, nang magpaalam ang biktima sa kanyang mga magulang na pupunta lamang sa kabayanan subalit hindi na nakabalik pa sa kanilang bahay.
May teorya ang pulisya na hinarang ang biktima ng di-pa nakikilalang salarin at pagkaraan ay pinagsamantalahan saka pinaslang. (Ulat ni Tony Sandoval)