Bodega ng pekeng sigarilyo nadiskubre
January 7, 2001 | 12:00am
CABUGAO, Ilocos Sur Ni-raid ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bodegang pag-aari ng isang dating mayor dito noong isang gabi at kinumpiska ang ibat-ibang makinarya na diumano ay ginagamit sa paggawa ng mga pekeng sigarilyo.
Ang bodegang ni-raid ay pag-aari ni dating Mayor Andrea Sollar Tan, ina ng kasalukuyang mayor na si Bendel Tan, na nakatayo mismo sa harapan ng munisipyo sa bayang ito.
Sinabi naman ni Superintendent Isagani Genabe, PNP director na wala silang gaanong detalye sa naturang raid dahil ang mga NBI agents na nakabase sa Maynila ang nagsagawa ng operasyon. Ang raiding team ay pinamumunuan umano ng isang Atty. Donato.
Ang raid sa naturang bodega ng mga Tan ay isinagawa bunga ng isang report patungkol sa umanoy pekeng sigarilyo na ginagawa sa bodega.
Armado naman umano ng search warrant ang mga ahente ng NBI.
Hindi pa matiyak kung may nasamsam ring mga pekeng sigarilyo sa isinagawang raid. (Ulat ni Myds Supnad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest