Barangay kagawad kinidnap bago pinatay ng mga rebelde
January 4, 2001 | 12:00am
PLACER, Masbate - Isang barangay kagawad ang dinukot at pinatay ng mga miyembro ng rebeldeng NPA ang natagpuan ng mga residente na tadtad ng tama ng bala sa ulo at katawan na nakatali pa ang mga kamay sa Sitio Kahindian sa bayan na ito kahapon ng umaga.
Ang biktima ay nakilalang si Manuel Esparoso, 40, magsasaka at isang kagawad sa Barangay Manlot-od ng naturang lugar.
Batay sa ulat ng pulisya, ang bangkay ng biktima ay natagpuan dakong alas-9 ng umaga sa Sitio Kahindian may isang kilometro ang layo sa bahay ng biktima.
Napag-alaman na dakong alas- 9 ng gabi kamakalawa nang dumating sa bahay ng biktima ang walong rebelde, dalawa dito ay amasona na pawang armado ng M-16 at M-14 rifle. Sapilitang dinala ng mga rebelde ang biktima.
Napag-alaman na dinala ng mga suspect ang biktima sa Sitio Kahindian at doon pinatay. Kinabukasan ay natagpuan nga ang labi nito na pinaniniwalaang pinahirapan muna bago tuluyang pinatay.
Hindi pa malinaw sa mga awtoridad kung ano ang motibo sa isinagawang pagdukot at pagpaslang sa naturang kagawad.
Samantala, nagsagawa naman ng hot pursuit operation ang mga awtoridad para tugisin ang mga suspect. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended