Lola hinalay bago ninakawan ng mga adik

SAN PASCUAL, Masbate – Isang 83 anyos na lola ang ginahasa, pinagnakawan na at pagkatapos ay sinaksak pa ng mga adik nang pasukin ang bahay nito habang natutulog sa loob ng kanyang bahay sa Sitio Ipil, Brgy. Dancalan sa bayan na ito kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktimang si Luisa Rosal 83, may asawa, at residente ng naturang lugar at kritikal sa San Pascual Municipal Hospital sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakilala naman ang isa sa mga suspek na si Alexander Rosas 25, binata, aka ‘‘Nonoy,’’ samantala ang tatlo pa nitong mga di nakikilalang kasamahan ay patuloy na pinaghahanap.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap dakong alas-11:00 ng gabi ng pasukin ng mga suspek ang bahay ng biktima.

Dito hinalay ang biktima at sinaksak tangay ang mga alahas.

Kahit may saksak ay nagawa nitong makahingi ng tulong sa kanyang mga kapitbahay at sinabi na isa si Rosas sa mga suspek. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments