^

Probinsiya

Dahil sa paputok, pulis inutas ng kabaro

-
Hindi na umabot ng pagsalubong sa Bagong Taon ang isang negosyanteng pulis nang mapatay ito makaraang barilin ang dalawang miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa isang shootout sa lalawigan ng Batangas.

Dead on arrival si SPO2 Larry Valencia, miyembro ng Western Police District (WPD), habang sugatan naman ang isa sa dalawang pulis na sumita dito hinggil sa umano’y illegal na pagbebenta ng paputok.

Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, dakong alas-3:00 ng hapon nang magtungo sina SPO3 Noel Calingasan Pesigan at PO2 Ernesto David, Jr., pawang miyembro ng Padre Garcia Police Station, Batangas PPO ang Public Market ng Padre Garcia, para mag-inspeksyon.

Ang nasabing operasyon ng mga pulis ay inilunsad sa kautusang maiwasan ang ilegal na pagbebenta ng mga paputok at mga pyrotechnics sa nasabing pamilihan.

Nang sumapit ang nasabing mga pulis sa puwesto ni Valencia ay hinilingan ito na ipakita ang kanyang business permit sa kanyang tindang paputok.

Nainis umano si Valencia sa dalawa, at dahil walang maipakitang permit ay pinaputukan nito ng baril ang dalawang pulis na nagresulta sa pagkakabaril sa braso at dibdib ni David.

Gumanti ng putok si Pesigan kay Valencia na tinamaan sa katawan. (Ulat ni Joy Cantos)

BAGONG TAON

BATANGAS

CAMP CRAME

ERNESTO DAVID

JOY CANTOS

LARRY VALENCIA

NOEL CALINGASAN PESIGAN

PADRE GARCIA

PADRE GARCIA POLICE STATION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with