Naipatalo sa tong-its na medya noche, magsasaka pumatay
December 31, 2000 | 12:00am
SARIAYA, Quezon Dahil sa natalo sa tong-its ang budget niya para sa medya noche, isang 47-anyos na magsasaka ang namaril at nakapatay ng isang bagets na tumalo sa kanya sa sugal, kamakalawa ng hapon sa Barangay Manggalang, Tulo-Tulo sa bayang ito.
Tinutugis ngayon ng mga awtoridad ang tumakas na suspect na nakilalang si Conrado Basilio, samantalang nasawi dahil sa tama ng baril ang biktimang si Alvin Frago, 17, kapwa residente sa naturang barangay.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-5 ng hapon habang ang biktima ay naglalakad pauwi sa kanilang bahay galing sa bahay ng suspect na doon naglaro ng tong-its.
Nabatid na sinuwerte sa naturang laro ang biktima at natalo lahat nito ang pera ng suspect na nakalaan pala para ipambili ng ihahanda sa medya noche.
Naaburido umano ang suspect dahil sa nasimot lahat ang kanyang pera na para sana sa kanyang pamilya.
Habang naglalakad ang biktima ay hinarang ito ng salarin at saka pinaputukan ng baril bago tuluyang tumakas.
Hindi binanggit sa ulat kung kinuha ng suspect ang natalo niyang pera sa labi ng biktima. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest