^

Probinsiya

2 police commander tinaningan sa pagdakip sa fugitive vice-mayor

-
BACOLOD CITY – Dalawang police commanders na nakabase sa bayan ng Salvador Benedicto ang binigyan ng ultimatum hanggang sa darating na Enero 2, 2001 para arestuhin si Vice-mayor David Pontillano kung hindi’y malamang na masibak sila sa posisyon.

Si Pontillano ay nahaharap sa kasong rape.

Ayon naman kina Chief Insp. Leo Irwin Agpangan, director ng 2nd Provincial Mobile Group at Senior Insp. Victorino Romanillos, Salvador Benedicto police chief, nakahanda naman silang ma-relieve sa posisyon sakaling mabigo silang maaresto si Pontillano.

Nabatid na dapat sana ay noong isang linggo pa na-relieve sa puwesto si Romanillos, gayunman namagitan si Mayor Cynthia dela Cruz na humiling kay PNP police director Geary Baria na bigyan pa ito (Romanillos) ng sapat na panahon para dakpin ang fugitive vice-mayor.

Nabatid na noon pang nakalipas na Disyembre 8 nakatanggap ng kopya ng arrest warrant laban kay Pontillano ang Salvador Benedicto Police Station.

Napag-alaman na inilabas ang arrest warrant laban sa Vice-mayor dahil sa kasong panghahalay sa isang 17-anyos na high school student sa bayan ng Salvador Benedicto. (Ulat ni Antonieta Lopez)

ANTONIETA LOPEZ

CHIEF INSP

DAVID PONTILLANO

GEARY BARIA

LEO IRWIN AGPANGAN

MAYOR CYNTHIA

NABATID

PONTILLANO

PROVINCIAL MOBILE GROUP

ROMANILLOS

SALVADOR BENEDICTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with