Suspek sa Obando masaker sumuko

Dahil sa binabagabag ng kanyang konsensiya sumuko kay San Pablo City mayor Vicente Amante ang pangunahing suspect sa pagmasaker sa isang pamilya ilang araw makaraang maganap ang karumal-dumal na krimen kamakailan sa Obando, Bucalan. Sa ulat, nakilala ang sumuko na si Guiller Brinas, 28 ng F. Navarette St. Panghulo, Obando. Magugunitang ang mga napaslang nito ay nakilalang sina Nenita Subilon; ang mister nitong si Erwin, 28 at ama na si Edgardo Subilon. Naganap ang insidente noong Disyembre 19 na noon ay kauuwi pa lamang ni Nenita buhat sa kanyang pagtatrabaho sa ibang bansa. Sinundo siya ng kanyang asawa at ama at doon naman isinagawa ni Brinas ang pamamaril. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments