Bahay ng pulis nilusob, sinunog: 4 patay, 1 grabe
December 26, 2000 | 12:00am
MONREAL, MASBATE Isang tauhan ng PNP ang napatay at malubha naman ang asawa nito, habang tatlo pang miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang napatay din nang lusubin ng tinatayang 25 rebelde ang bahay ng biktima at pagkatapos ay sunugin sa Bgy. Rafael bayang ito, kahapon ng umaga.
Kinilala ang nasawing si SPO4 Edwin Espiloy, 45, nakatalaga sa Monreal municipal police station. Sugatan naman ang misis nitong si Eden, 40.
Isa sa mga napatay na rebelde ay kinilalang si Boni Almosara, ng Bgy. Naglambong.
Sa ulat ng pulisya, pagitan ng alas-4 at alas-5 ng umaga habang ang mag-asawang Espiloy ay naghahanda para magsimba ng biglang dumating sa kanilang bahay ang may 25 mga kabataang rebelde at paulanan ng bala ang bahay nito.
Nakipagpalitan ng putok ang pulis na tumagal ng mahigit limang oras hanggang sa tamaan ang mag-asawa.
Bago nagsitakas ang mga rebelde ay tinangay ang M-14 at 9mm pistola ng biktima bago sinunog ang bahay ng mga biktima. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest