Dalaga hinalay na, pinatay pa
December 26, 2000 | 12:00am
LEGAZPI CITY Karumal-dumal ang sinapit na pagkamatay ng isang 32-anyos na dalaga matapos na ito ay gahasain at saka patayin ng hindi pa nakikilalang suspect o mga suspect at pagkatapos ay itinapon ng hubot hubad sa tabi ng kalsada sa Barangay Bonot sa harapan ng Legazpi City Catholic Cemetery ng nabanggit na lungsod, kahapon ng madaling araw.
Nakilala ang biktima na si Marites Gallardo, ng Barangay Rawis ng naturang lunsod.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, ang bangkay ng biktima ay natagpuan ng mga residente dakong ala-1:45 ng madaling araw na nakadapa sa tabi ng kalsada sa harapan ng sementeryo ng lungsod.
Ayon sa kapatid ng biktima na si Mrs. Hilda Guades na kumilala sa bangkay na huling nakitang buhay ang kanyang kapatid dakong alas-12 ng hatinggabi kamakalawa na nakasuot ng puting t-shirt at jogging pants na naglalakad sa kanilang barangay.
Nagpaalam umano ito sa kanila na maglalakad-lakad para saksihan ang kasayahan sa karatig barangay.
Malaki ang paniwala ng pulisya na sa ibang lugar pinagsamantalahan ang biktima at pagkatapos ay pinatay at itinapon sa harapan ng sementeryo para iligaw ang imbestigasyon.
Binanggit pa sa ulat na nagtamo ng malalim na sugat sa ulo ang biktima na pinaniniwalaang pinalo ng matigas na bagay at naging dahilan ng agaran nitong pagkasawi.
Kasalukuyang nagsasagawa pa ng malalim na imbestigasyon ang mga awtoridad ukol sa kaso para matukoy kung sino ang posibleng may kagagawan ng naganap na krimen. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest