Pulis grabe sa boga ng kabaro
December 25, 2000 | 12:00am
Isang pulis ang iniulat na nasa malubhang kalagayan makaraang barilin ng kapwa nito pulis dahil sa matagal nang alitan ng mga ito sa Parang, Maguindanao kamakalawa ng umaga.
Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame ang biktimang si SPO4 Renato Silva ay nagtamo ng isang tama ng bala ng kalibre .45 mula kay P/Insp. Segundo Alemania pawang nakatalaga sa Mobile Group ng nasabing lalawigan.
Sa inisyal na ulat, dakong alas-8:25 ng umaga sa loob ng 15th Regional Mobile group office sa Camp B/Gen. Salipada K. Pandatum sa Parang, Maguindanao nang dumating si Silva, lumapit kay Alemania at walang sabi-sabi ay bigla nitong tinadyakan ang huli na naging dahilan upang ito ay mawalan ng malay.
Nang matauhan si Alemania kinompronta nito si Silva hanggang sa nagkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pagbunot ng una ng kanyang kaliber .45 pistola at binaril ang biktima sa dibdib.
May teorya ang pulisya na may kinalaman sa matagal ng alitan ang dalawa.
Sa ngayon ay nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang Police Provincial Office (PPO) ng Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa suspek. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest