Nangulilang pasyente ng mental pumuga

TRECE MARTIRES CITY, Cavite — Isang pasyente sa Andres Bonifacio Mental Hospital ang tumakas sa nabanggit na pagamutan para makapiling ang kanyang mga mahal sa buhay makaraang makaramdam ng lungkot matapos na makarinig ng kantang pamasko, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang tumakas na si Alvin Tanedo, 26, ng Tabing-dagat, Talaba 2, Bacoor, Cavite. Nabatid na dakong alas- 5 ng madaling araw nang magpaalam si Tanedo na maliligo sa palikuran sa likod ng pagamutan para maibsan ang nararamdaman niyang init.

Matapos payagan ng naka-duty na nurse ay bigla na lamang itong kumaripas ng takbo at tuluyang tumakas. (Ulat ni Mading Sarmiento)

Show comments