Impeachment trial pinagtalunan ng mag-bayaw; 1 nadedo
December 23, 2000 | 12:00am
CARMONA, Cavite  Nasawi bunga ng tinamong maraming sugat sa katawan ang isang 36-anyos na mister na pinagtataga ng kanyang sariling bayaw makaraang magtalo ang dalawa hinggil sa nagaganap na impeachment trial kay Pangulong Joseph Estrada habang ang mga ito ay nanonood ng telebisyon, kamakalawa sa Barangay Bancal ng bayang ito.
Ang nasawing biktima ay kinilala ni Chief Inspector John Cresencio Bulalacao, hepe ng pulisya sa bayang nabanggit na si Samuel Flores.
Samantala, ang suspect na mabilis namang tumakas matapos ang ginawang krimen ay nakilalang si Romeo Oloris, bayaw ng biktima.
Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon sa bahay ng biktima habang ito kasama ang suspect na bayaw ay nanonood ng telebisyon sa live coverage ng impeachment trial.
Nagpahayag umano ang biktima na kailangan nang bumaba sa puwesto si Pangulong Estrada na kinontra naman ng suspect.
Ito ay lalo pang nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa kumuha ng itak ang suspect at pinagtataga ang kanyang bayaw.
Nabatid na may dati na palang alitan ang mga ito at ang impeachment trial ang siyang lalong nagpainit sa kanilang alitan dahil sa magkaibang pananaw. (Ulat ni Cristina Go Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest